← Back to Home
Jackpot prize sa Laro Laro Pick, umabot na sa 400,000 pesos! | It’s Showtime

Jackpot prize sa Laro Laro Pick, umabot na sa 400,000 pesos! | It’s Showtime

Umabot na sa halos kalahating milyon ang jackpot prize sa Laro Laro Pick

🕒 9/3/2025, 5:06:14 AM781 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Jackpot#Laro Laro Pick Jackpot Prize#Laro Laro Pick Showtime#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Babaha... as in babaha ng saya dahil sa "It's Showtime," tuloy-tuloy ang agos ng tawa at ligaya. Good vibes lang ang pwedeng bumaha rito. Dumaloy rin ang musika mula sa OPM band na Over October, na hinarana ang Madlang People. "Ikot" ang jam nila, nanunuot ang feels sa bawat nota!

Paano ba nabuo ang pagalan ng banda? October daw kasi ang birth month ng dalawang miyembro kaya si Vice Ganda, na miss na miss ng Madlang People, nag-joke na baka puwede ring isali ang kanyang Nanay Rosario—October baby rin kasi ito!

Fresh na fresh nga ang Meme from the UK. Back in action din si Kim Chiu na pinasalubungan tayo ng bubbly energy!

Good vibes ay lumaganap. Inspirasyon ang dala ng mga kwento ng pangarap sa "Laro Laro Pick." Ang 24 players of the day ay binubuo ng mga embalsamador, paramedics, fitness instructors at janitors. Nakilaro rin to represent the madlang studio audience ang hosts na sina Kim Chiu, Ryan Bang, Teddy Corpuz, at Ion Perez.

Si Vice Ganda, kabado kay Tatay Armando, ang embalsamador na 40 years nang nagseserbisyo sa punerarya. Baka raw kasi mayro’n itong kasama na hindi nakikita. Eme lang naman 'yan ni Meme, dahil ang totoo, hanga siya sa sipag ni Armando. Sa trabahong ito naitaguyod niya ang pamilya at napag-aral ang mga anak, pero ang hiling sa darating na Pasko ay sana magkaroon na sila ng sariling bahay dahil ang mga anak ay nangungupahan lamang at siya naman ay minabuting mag-stay-in na lang sa puneraryang pinagtatrabahuhan.

Inspirasyon din ang hatid ni Alen, isang janitress sa public market na walang sawang nagsisipag kahit walang overtime pay. Kwento naman ni Char, kapwa janitor sa palengke, di bale nang mahirapan basta't masuportahan ang pamilya sa kanilang pangangailangan.

At kahanga-hanga rin si Kath, ang 18-year-old working student na medic. Kabilang siya sa pioneer batch na kumuha ng Paramedicine course sa bansa. Amazing, 'di ba? Nagpa-demo na rin sina Vice Ganda ng tamang life-saving tips kay Kath.

It's game time! Sa unang round na “Illuminate o Eliminate,” natanggal agad si Tatay Armando, pero umuwi pa rin siyang nakangiti dahil kay Meme na binigyan siya ng maagang pamasko at pa-birthday.

Sa “It’s Giving” round, ang tanong ay: “Magbigay ng popular full names ng 50 greatest PBA players.” Dito, tatlo na lang ang nakatagal hanggang dulo. Sila ang nagharap-harap sa “You Gotta Lyric” game kung saan “Bitiw” ng Spongecola ang bida sa kantahan. Unti-unting naubos ang tatlong players hanggang isa na lang ang natira—si Shid, ang fitness instructor, na diretso na sa Jackpot Round.

Sa Jackpot Round, todo ang kaba at sigawan ng Madlang People habang tumataas ang pera sa LI-POT. Umabot pa nga sa 100,000 pesos—pinakamataas na offer since Day 1 ng segment. Naku, sa ganyan kalaking alok, kakabahan ka na lang talaga't mapapalunok.

Pero matatag si Shid, hindi nagpabali ng paninindigan sa harap ng tukso. POT pa rin ang pinili niya dahil ito ang tunay na sigaw ng kanyang puso. Sa pagpili ng POT, hinarap niya ang tanong na, “Anong lalawigan o probinsya sa Pilipinas ang may tagline na ‘The Heart of the Philippines’ at ‘Geographical Center of the Philippine Archipelago’?”

Ang sagot ni Shid, "Metro Manila." Sayang dahil ang tamang sagot pala ay Marinduque. Di man naiuwi ang jackpot, panalo pa rin sa tapang si Shid, na pinahanga ang lahat dahil pinili niyang lumaban at manindigan hanggang dulo.

Dito sa "Tawag Ng Tanghalan" Year 9, tuloy lang ang kantahan at kuwentuhan tungkol sa mga pangarap na maghahatid sa inyo ng inspirasyon.

Unang sumabak sa entablado si Shiloh Soliva mula Escalante City, Negros Occidental. Laking-lola kaya puso’y punong-puno ng pagmamahal, na ibinuhos niya sa pagkanta ng “Love Will Lead You Back.” Sabi ni hurado Bituin Escalante, kakaiba raw ang atake ni Shiloh dahil first time niyang marinig na sweet ang tunog ng Taylor Dayne hit.

Sumunod si Jolaiha Rodemio ng General Santos City na kinanta ang “Kung Iniibig Ka Niya” with sincerity. Unfortunately, mga off notes niya'y hindi nakaligtas kay Punong Hurado Louie Ocampo, na bagama't pinagbigyan siya no'ng umpisa dahil nakita ng hurado ang determinasyon niya, naulit pa ang mga off-notes sa gitna at dulo ng kanta, dahilan upang senyasan ni Maestro Louie si Ryan Bang na hampasin ang gong. Still, masaya pa rin si Jolaiha dahil nakita at nayakap ang idol niyang si Vice Ganda.

Atake naman si Ramel Awi ng Davao City, ang astig na MMA fighter pero Zumba instructor din on the side at certified lola’s boy. “Upuan” ni Gloc-9, ginawa niyang reggae kaya nag-enjoy ang everybody. Komento ni hurado Dingdong Avanzado, very timely ang piyesa at "brave and excellent" ang performance ni Ramel.

Dahil na-gong si Jolaiha, diretso na sina Shiloh at Ramel sa KanTapatan bukas.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.