← Back to Home
Anne Curtis' belated birthday celebration on It's Showtime!

Anne Curtis' belated birthday celebration on It's Showtime!

🕒 2/22/2025, 4:56:36 AM684 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Espesyal ang Sabado parang pansit with lots of cheeeese! Dahil narito lang naman ang nag-iisang ‘Dyosa,’ Anne Curtis, na sobra nating na-miss. Huli man pero maihahabol pa ang pagdiriwang ng kaarawan niya. Pero si Anne ang nasurpresa nang ilabas ang mikropono, dahil sa ayaw niya o gusto, magpo-prod siya sa araw na ‘to. Super duper impromptu! Unexpected man ang mga pangyayari, itinodo pa rin ni Anne ang pagbirit with her ‘backup singers’ Rea Gen Villareal, Lorraine Galvez, Mariane Osabel at Jessica Villarubin. 

Kumpleto sa props at mga paboritong piyesa ng Dyosa. Ang madlang audience naman ay very happy sa mga pa-selfies. Syempre, hindi mawawala ang birthday greetings and wishes ng kan’yang Showtime family. Bilang regalo, papalitan na raw ni Vice Ganda ang segment na ‘ANSABE’ at tatawagin itong ‘ANNE-LABI.’ Eme!

Hotness meter ay sumabog dahil sa dance performance nina Jackie Gonzaga at Paul Salas na kabog. From that bonggang prod, binonggahan  din ng ‘Showtime Sexy Babe 2025’ contestants ang performance nila sa weekly finals. 

Ang kagandahan ni Sexy Babe Angel, parang biyaya ng langit. Napansin nina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Anne ang mala-Hollywood star n’yang awra, parang si little mermaid ba. 

Oozing with confidence naman ang pagrampa ni Sexy Babe Nathania, ang strong and independent woman ng grupo. 

Mukhang nahawaan ni Nathania ng confidence si SAMgyupsal (Ryan Bang), na first time patatawanin si Anne with his punchline. First time rin ni Anne makita ang kakambal niya, este, ‘yung malaking labi na bitbit ni Ryan. At dahil ngayon lang siya nagpakita, si Anne muna ang taya sa hosting. I-maximize ang presence ng Dyosa! 

Kung rampahan ang usapan, hindi ‘yan uurungan ni Sexy Babe Sarah, na sinagot ang tanong kung alin ang mas masakit–ang masabihan ng ‘hindi maganda’ o ‘hindi matalino.’

“Okay lang ba mag-date ng lalaking kuripot?” ‘Yan nanan ang tanoong na nabunot ni Sexy Babe Den. Napaisip tuloy ang hosts–sino ba ang pinakakuripot sa kanila? Mukhang guilty si Vice Ganda! 

Sorsogon represent naman ang sigaw ni Sexy Babe Rica na determinadong bigyan ng karangalan ang lugar niya. Sa tanong na, “Ano ang mas gusto mo, spontaneous o planado?” finlex n’ya ang angking talino.

Dalawang Sexy Babes ang nakakuha ng parehong pinakamataas na scores mula sa Sexy AuthoriTEAM na sina Chelsea Manalo, Paul Salas, at Max Collins. Ang ating Sexy Babes of the week ay sina Rica at Angel. 

‘Pag si McCoy de Leon ay nakatawa, ang totoong singer ba ay kan’yang makikita? Chinito smile niya ay na-miss mo ba? Eh, ‘di nood ka na, dahil si McCoy ang TagaHula for today’s “Hide and Sing.” 

Bagay na bagay kay McCoy ang ‘Chinito’ performance ng tatlong TagoKanta sa Round 1. Pero ang celebrity player natin, medyo nahirapan. To the rescue ang mga TagoGulo. Mukhang maganda ‘yung observation ni Cianne Dominguez na si TagoKanta 3 lang ang naka-high heels, parang nakaka-celebrity ‘yun, ‘di ba?

Sa Round 2, wala kang ma-say sa galing ni TagoKanta 1 na bumirit ng “Say Something.” Very Gen Z naman ang tunog ni TagoKanta 2 and her “Espresso.” Samantala, ang ikatlong mystery singer, nag-ala Taylor Swift with “Cruel Summer.”

Oras na para sumagot, at si TagoKanta 1 ang nabunot. Hula ni McCoy, si Janine Berdin ito. “Bahala ka na d’yan, McCoy,” sabi naman ng ‘Showtime’ hosts na hirap din sa panghuhula. Wala rin silang idea na ang celebrity TagoKanta ay si 2, walang iba kundi si Zia Quizon na nagpasikat ng kantang “Ako Na Lang.” Kung present si Karylle, nakilala kaya niya ang boses ng kan’yang beloved sister?

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Anne Curtis' belated birthday celebration on It's Showtime! | Cheezmis