MANILA -- "Hindi pa kami, pero ang suwerte ko na."
Ito ang sinabi ng aktor na si JM de Guzman bilang reaksiyon sa ginawang panghaharana sa kanya ng content creator na si Donnalyn Bartolome at amining "exclusively dating" na sila.
Sa pinakabagong vlog ni de Guzman, muli nitong pinanood ang video kung saan hinarana siya ni Bartolome.
"Kung alam niyo lang kung ano ang napi-feel ko. Hanggang ngayon kapag pinapanood ko siya kinikilig pa rin ako guys. Hindi ba? Hindi pa kami, pero ang suwerte ko na. What more kung mahal niya na ako," ani de Guzman.
"So 'yun na 'yung aking reaksiyon. Kita niyo naman mixed emotions ako, napatawa, napakilig, napaiyak, napalungkot, napalungkot kasi naalala ko na hindi ko naalala ang mga bagay -- ang labo," makulit na dagdag ni de Guzman.
JM de Guzman reacts to Donnalyn Bartolome's vlog. Screengrab: YouTube
Nitong Linggo sa kanyang vlog, inamin Bartolome na "exclusively dating" na sila ni de Guzman.
"Alam ko matagal ka nang naghihintay ng sagot ko, kaya ngayon ... JM mahalaga ka sa akin," ani Bartolome matapos niyang awitan ang aktor ng "Sometimes" ni Britney Spears.
JM de Guzman, Donnalyn Bartolome are now 'exclusively dating'
Sa ngayon, parte si de Guzman ng seryeng "Linlang" kung saan kasama niyang bida sina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Mga kaugnay na video:
https://www.youtube.com/watch?v=UB6dK1nFGJM
https://www.youtube.com/watch?v=w_5c3UsPZwI