MAYNILA —Dahil sa pagbubukas ng Philippine Women’s Open, ang kauna-unahang Women’s Tennis Association o WTA 125 tournament sa bansa, mabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na mapanood nang live si tennis star Alex Ealat at ang mismong mga international tennis match.
Para magabayan ang mga first-timer, nagbigay ng ilang paalala ang Philippine Tennis Association tungkol sa etiquette o dapat gawin ng spectators.
Una diyan ang manatiling tahimik tuwing laro at mag-cheer lang kapag may nakapuntos na. Lumabas lang ng korte kapag nag-break o changeover, at iwasan ding mag-cheer kapag nagkamali ang isang manlalaro.
“The tournament is the star,” ika ni Philippine Tennis Association executive director Tonette Mendoza, kaya malaki ang galang na binibigay sa mismong laro higit sa pag-ingay para sa manlalaro.
Maging sa paggamit ng gadgets gaya ng cellphone at pagkukuha ng retrato kailangang hindi maingay o makaabala.
Sa huli, nanawagan si Dyan Castillejo, ang unang WTA-ranked player ng Pilipinas, na suportahan sana ng mga Pilipino hindi lang si Alex Eala o mga tennis player ng Pilipinas kundi lahat ng mga player para maramdaman nila ang mainit ang pagsalubong sa kanila rito.
– Ulat ni Paige Javier, Patrol ng Pilipino
Video produced with Winkie Bernaldez
For Alex Eala, PH Women's Open a platform for Pinoys to learn more about tennis
Alex Eala gearing up for Philippine Women's Open with same mindset despite 'home' tournament
COMMENTARY: Why Alex Eala did not need an Australian Open win to spark a movement
Tennis: New Manny Pacquiao? Alex Eala says 'malayo pa ako'
IN PHOTOS: Rizal Memorial Tennis Center ready for Philippine Women’s Open
