Tutukan ang live at tuloy-tuloy na special coverage ng ABS-CBN News sa pagpapatuloy ng makasaysayang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado ngayong Miyerkules, Hulyo 22, 2026.
Sa pagpasok ng Day 9 ng paglilitis, inaasahang pormal nang isasara ng House prosecution team ang pagpapasok ng ebidensya at mga testigo para sa Article IV n may kinalaman sa grave threats at inciting to sedition.
Ito ay matapos ang pagsalang at pagtatapos ng cross-examination kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag—ang huling witness ng prosekusyon para sa Article IV—kaugnay ng ginawang imbestigasyon ng ahensya sa mga pahayag ng Bise Presidente.
For more ABS-CBN News videos, click here.
