← Back to Home
Feng shui predictions ni Master Hanz Cua para sa Setyembre 16, 2026

Feng shui predictions ni Master Hanz Cua para sa Setyembre 16, 2026

Anong mga bagay ang magdadala ng swerte sa 'yo ngayong araw? Alamin mula sa daily horoscope predictions ni Master Hanz Cua.

🕒 9/15/2026, 11:00:00 PM1200 wordsEN

ABS-CBN Lifestyle

#feng shui

Sa pang-araw-araw na seryeng ito, ibabahagi ni Master Hanz Cua ang kanyang feng shui predictions kung paano ka magiging maswerte pagdating sa pag-ibig, kalusugan, karera, at pera. Ibibigay niya ang mga detalye tulad ng iyong lucky time, direction, color, at number, pati na rin ang mga payong feng shui upang mas mapalakas pa ang iyong swerte. 

Kapag walang plano ang pera, napakadaling magkaroon nito ng sariling lakad. Ngayong araw, hindi ang tanong ay "Magkakapera ba ako?" kundi "Ano ang gagawin ko sa perang dumarating?"

Bills. Savings. Food. Emergency fund. Business capital. Family needs. Enjoyment. Lahat puwedeng magkaroon ng lugar. Before your money disappears, tell it where to go.

Rat

Love: Kung shared ang household expenses, pag-usapan ang budget bago magkaroon ng sisihan kung sino ang gumastos.

Health: Huwag tipirin ang essential health needs para lamang may budget sa wants.

Career: May pagkakataong kumita nang dagdag, ngunit tingnan kung sulit ang oras na kakainin nito.

Wealth: Pagdating ng income, magtabi muna bago magsimulang gumastos.

Lucky direction: North

Lucky time: 9:00 a.m. – 10:30 a.m.

Lucky color: Green

Lucky number: 6

Money habit: Treat savings like a bill. Bayaran muna ang future self mo bago ang checkout cart.

Ox

Love: Hindi kailangang pareho kayo ng spending style, pero kailangang malinaw kung alin ang shared responsibilities.

Health: Magplano ng meals kung napapansin mong malaking bahagi ng budget ang napupunta sa convenience food.

Career: Kung regular ang overtime, tingnan kung napupunta ba talaga sa financial goal ang dagdag na kita.

Wealth: Ilista ang fixed expenses bago magdesisyon kung magkano ang available para sa discretionary spending.

Lucky direction: East

Lucky time: 1:00 p.m. – 2:30 p.m.

Lucky color: Blue

Lucky number: 8

Ordinary reminder: Ang "may pera pa sa account" ay hindi automatic na ibig sabihin na available itong gastusin. Baka pambayad iyon sa kuryente. 

Tiger

Love: Huwag gawing competition ang lifestyle ninyo sa nakikita sa ibang couples online.

Health: Hindi lahat ng wellness trend ay kailangan mong bilhin.

Career: Kung may salary negotiation, pag-usapan ang value ng trabaho gamit ang responsibilities at results.

Wealth: Mag-ingat sa lifestyle upgrade tuwing tumataas ang income. Hindi kailangang tumaas din agad ang lahat ng gastos.

Lucky direction: Southwest

Lucky time: 10:30 a.m. – 12:00 p.m.

Lucky color: Gold

Lucky number: 9

Master Hanz says: Kapag tumaas ang kita, huwag hayaang ang gastos ang unang makaalam.

Rabbit

Love: Kung may malaking celebration na pinaplano, magtakda ng budget na hindi magiging problema pagkatapos ng event.

Health: Huwag alisin sa budget ang basic health needs para lamang mapondohan ang celebration.

Career: Magandang araw upang ayusin ang reimbursements o expenses na kailangang i-file.

Wealth: Maglaan ng sinking fund para sa predictable expenses tulad ng birthdays, holidays, repairs, o annual payments.

Lucky direction: West

Lucky time: 3:00 p.m. – 4:30 p.m.

Lucky color: Peach

Lucky number: 2

Money habit: Hindi emergency ang gastos na alam mong darating bawat taon. Paghandaan habang maaga.

Dragon 

Love: Kung may long-term plans, pag-usapan hindi lamang ang dreams kundi kung paano ninyo ito popondohan.

Health: Huwag hayaang pursuit of income ang kumain sa lahat ng oras ng pahinga.

Career: Kung nagsisimula ng negosyo, paghiwalayin ang personal at business money mula pa lamang sa simula.

Wealth: Huwag ituring na personal spending money ang lahat ng pumapasok na sales.

Lucky direction: Southeast

Lucky time: 11:00 a.m. – 12:30 p.m.

Lucky color: Silver

Lucky number: 7

Business reminder: Revenue is not profit. May inventory, rent, salaries, utilities, taxes, at operating expenses pang naghihintay.

Snake

Love: Hindi kailangang ilihim ang financial concern hanggang maging malaking problema. Pag-usapan habang manageable pa.

Health: Ang simpleng healthy routine ay hindi kailangang mamahalin.

Career: Kung may bonus o unexpected income, huwag agad gumawa ng permanent monthly expense mula rito.

Wealth: Hatiin ang windfall: maaaring may bahagi para sa savings, obligations, goals, at enjoyment.

Lucky direction: Northwest

Lucky time: 2:00 p.m. – 3:30 p.m.

Lucky color: Purple

Lucky number: 5

Money habit: Temporary income should not automatically create permanent expenses.

Horse

Love: Ang bonding ay hindi kailangang laging shopping, restaurant, o travel. Maghanap din ng low-cost activities.

Health: Huwag gawing reward sa stressful day ang impulsive spending.

Career: Kung may dagdag na project, alamin muna kung magkano talaga ang kikitain pagkatapos ng expenses.

Wealth: Payday temptation is strong today. Huwag ubusin ang sweldo habang sariwa pa ang notification. 

Lucky direction: South

Lucky time: 9:30 a.m. – 11:00 a.m.

Lucky color: Orange 

Lucky number: 4

Ordinary reminder: Hindi kailangang salubungin ang sweldo sa checkout page. Bigyan muna siyang pagkakataong makilala ang savings account. 

Goat

Love: Kung may family member na humihingi ng tulong, tingnan kung ano ang kaya mong ibigay nang hindi napapabayaan ang sariling household.

Health: Maglaan ng budget para sa regular necessities bago ang leisure expenses.

Career: Kung freelancer o irregular ang income, huwag i-budget ang pinakamahusay mong buwan na parang iyon ang guaranteed monthly income.

Wealth: Gumamit ng conservative average kapag nagpaplano ng regular expenses.

Lucky direction: Northeast

Lucky time: 1:30 p.m. – 3:00 p.m.

Lucky color: Pink

Lucky number: 3

Master Hanz says: Ang pagtulong sa pamilya ay kabutihan. Ang pagbaon sa sarili sa utang para makatulong ay ibang problema.

Monkey

Love: Huwag gawing surprise ang malaking purchase kung shared finances ang maaapektuhan. 

Health: Mag-ingat sa boredom shopping pagkatapos ng trabaho.

Career: Kung may side hustle idea, subukan muna sa maliit bago bumili ng maraming equipment.

Wealth: Tingnan ang total ng maliliit na online purchases nitong buwan. Baka doon pala nakatira ang nawawalang pera. 

Lucky direction: East

Lucky time: 8:00 a.m. – 9:30 a.m.

Lucky color: Yellow

Lucky number: 1

Money challenge: Tingnan ang order history. Hindi para sisihin ang sarili — para malaman kung ano ang habit na kailangang baguhin.

Rooster

Love: Kung may family budget, gawing malinaw kung alin ang necessities, savings goals, at optional expenses.

Health: Huwag bumili ng supplements o wellness products dahil lamang viral kung hindi mo naman kailangan.

Career: Magandang araw upang tingnan ang compensation versus responsibilities kung matagal nang lumalaki ang workload.

Wealth: I-automate ang bills o savings kung nakatutulong ito upang hindi makalimutan.

Lucky direction: Northwest

Lucky time: 11:30 a.m. – 1:00 p.m.

Lucky color: Brown

Lucky number: 8

Money habit: Automation can help discipline — but i-check pa rin ang account. Automatic payment does not create automatic money. 

Dog

Love: Hindi kailangang ikaw lagi ang sumagot sa financial emergency ng lahat.

Health: Ang financial stress ay nakakapagod din. Harapin ang numbers kaysa iwasang tingnan.

Career: Kung may overtime, commission, o incentive, magtakda na kung saan mapupunta bago ito dumating.

Wealth: Unahin ang emergency fund kung wala ka pang financial cushion.

Lucky direction: West

Lucky time: 4:00 p.m. – 5:30 p.m.

Lucky color: Gray 

Lucky number: 6

Heavenly merit: Kung may taong hirap sa budget, maaari mong ibahagi ang practical knowledge o resource na nakatulong sa iyo — nang hindi pinapahiya ang kanyang sitwasyon.

Pig

Love: Ang generosity ay maganda, pero hindi kailangang ikaw ang laging taya sa lahat ng lakad.

Health: Huwag tipirin ang essentials para lamang magkaroon ng budget sa entertainment.

Career: Kung may extra income opportunity, tingnan kung sustainable ang workload bago tanggapin.

Wealth: Gumawa ng apat na simpleng buckets: Needs – Savings – Goals – Enjoyment.

Lucky direction: Southwest

Lucky time: 2:30 p.m. – 4:00 p.m.

Lucky color: White

Lucky number: 7

Money habit: Maglaan din ng maliit na enjoyment budget. Ang budget na puro bawal ay mas madaling sukuan.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.