Sa pang-araw-araw na seryeng ito, ibabahagi ni Master Hanz Cua ang kanyang feng shui predictions kung paano ka magiging maswerte pagdating sa pag-ibig, kalusugan, karera, at pera. Ibibigay niya ang mga detalye tulad ng iyong lucky time, direction, color, at number, pati na rin ang mga payong feng shui upang mas mapalakas pa ang iyong swerte.
Mabilis kumalat ang magandang reputasyon — at mas mabilis kung masama. Sa workplace, negosyo, pamilya, at social media, naaalala ng mga tao kung paano ka makitungo sa kanila. Ngayong araw, piliin ang response mo. Keep your promises. Be professional. At kapag mainit ang ulo, tandaan: You may forget what you did five minutes later. The camera won't.
Rat
Love: Huwag gawing public post ang private disagreement. Ayusin muna ninyo bago hingin ang opinion ng buong internet.
Health: Kapag mataas na ang stress, lumayo muna sa argument kaysa dagdagan ang tensiyon.
Career: May taong nakakapansin sa consistency ng trabaho mo kahit hindi niya ito laging sinasabi.
Wealth: Bayaran sa napag-usapang oras ang taong gumawa ng serbisyo para sa iyo.
Lucky direction: East
Lucky time: 9:00 a.m. – 10:30 a.m.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Digital reminder: Bago mag-post habang galit, gumawa muna ng kape. Kapag malamig na ang kape at galit ka pa rin, saka mo ulit basahin — pero baka huwag mo pa ring i-post.
Ox
Love: Ang pagiging tama ay hindi laging mas mahalaga kaysa pagiging respectful.
Health: Huwag hayaang isang nakakainis na tao ang magtaas ng stress level mo buong araw.
Career: Kung nangako ng deadline, magsabi agad kung may problema. Mas professional ang early warning kaysa disappearance.
Wealth: Kung may utang o financial obligation, huwag hintaying ikaw pa ang paulit-ulit na habulin.
Lucky direction: Northwest
Lucky time: 1:00 p.m. – 2:30 p.m.
Lucky color: Green
Lucky number: 8
Master Hanz says: Ang pagiging maaasahan ay isang uri ng kayamanan. Kapag nagtitiwala sa iyo ang mga tao, maraming pinto ang mas madaling bumukas.
Tiger
Love: Kapag mainit ang argumento, huwag magsabi ng bagay na mahihirapan kang bawiin pagkatapos.
Health: Kung galit habang nagmamaneho, huwag makipaghabulan o makipagtalo sa kalsada.
Career: Confidence is good. Publicly humiliating a coworker is not leadership.
Wealth: Huwag gawing dahilan ang pride para gumastos nang higit sa kaya mo para lamang makasabay sa iba.
Lucky direction: South
Lucky time: 10:30 a.m. – 12:00 p.m.
Lucky color: Gold
Lucky number: 9
Road reminder: May dashcam ka. May dashcam siya. May CCTV ang establishment. At may limang taong nakahawak na agad sa cellphone. Choose your response.
Rabbit
Love: Protektahan ang dignity ng partner kahit may disagreement. Hindi kailangang malaman ng barkada ang bawat problema ninyo.
Health: Lumayo muna sa social media kung napapansin mong lalo ka lamang nai-stress.
Career: Ang pagiging magalang sa receptionist, guard, utility staff, at junior employees ay bahagi rin ng professional reputation.
Wealth: Huwag mangako ng bayad sa petsang alam mong hindi mo kayang tuparin. Maging realistic mula pa lamang sa simula.
Lucky direction: West
Lucky time: 3:00 p.m. – 4:30 p.m.
Lucky color: Peach
Lucky number: 2
Heavenly merit: Tratuhin nang may respeto ang mga taong nagtatrabaho sa service industry. Hindi mo kailangang maging mayaman para maging mabuting customer.
Dragon
Love: Ang pagiging successful sa labas ay walang saysay kung ibang tao naman ang nakakaranas ng pinakamasamang version mo sa bahay.
Health: Maglaan ng transition time pagkatapos ng stressful workday bago dalhin ang mood sa pamilya.
Career: May pagkakataong lumawak ang network mo. Ipakita ang professionalism sa maliit at malaking client.
Wealth: Sa negosyo, huwag mangako ng produkto o serbisyo na alam mong hindi kayang i-deliver.
Lucky direction: Southeast
Lucky time: 11:00 a.m. – 12:30 p.m.
Lucky color: Silver
Lucky number: 7
Business reminder: One unhappy customer can tell hundreds of people online. Ayusin ang legitimate complaint bago ito maging public-relations problem.
Snake
Love: Hindi lahat ng sikreto ng relasyon ay kailangang ikuwento sa kaibigan—lalo na iyong ipinagkatiwala sa iyo.
Health: Huwag ubusin ang energy sa pakikipagtalo sa taong ayaw namang makinig.
Career: Discretion can strengthen your professional reputation. Huwag gawing office entertainment ang confidential information.
Wealth: Kung may financial disagreement, itago ang records at ayusin sa tamang proseso kaysa sa social-media trial.
Lucky direction: Northeast
Lucky time: 2:00 p.m. – 3:30 p.m.
Lucky color: Purple
Lucky number: 4
Master Hanz says: Hindi lahat ng alam mo ay kailangan mong ikuwento. Minsan, ang katahimikan ay professionalism.
Horse
Love: Huwag sagutin agad ang message kapag galit. Ang limang minutong paghihintay ay maaaring makaiwas sa limang araw na tampuhan.
Health: Huwag gawing personal ang bawat inconvenience sa kalsada.
Career: Mag-ingat sa impulsive comments sa group chat. Screenshot exists.
Wealth: Kung may reklamo sa transaction, kausapin muna nang maayos ang seller o provider at panatilihin ang records.
Lucky direction: Southwest
Lucky time: 9:30 a.m. – 11:00 a.m.
Lucky color: Orange
Lucky number: 6
Ordinary reminder: Huwag makipag-away kapag galit. Baka ikaw ang bida sa video bukas — at hindi iyon ang content na gusto mong mag-viral.
Goat
Love: Huwag hayaang opinion ng ibang tao ang magdikta kung paano ninyo aayusin ang sariling relasyon.
Health: Kung overwhelming ang araw, maglaan ng ilang minutong tahimik bago sumagot sa ibang tao.
Career: Ang pagiging pleasant to work with ay malaking professional advantage na hindi nakalagay sa résumé.
Wealth: Huwag ipahiram ang perang hindi mo kayang mawala dahil lamang ayaw mong masabihang madamot.
Lucky direction: North
Lucky time: 1:30 p.m. – 3:00 p.m.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Life advice: Boundaries do not damage a good reputation. Kung maayos ang paraan ng pagtanggi, ipinapakita lamang nitong alam mo ang iyong limits.
Monkey
Love: Mag-ingat sa joke na nakakatawa para sa lahat maliban sa taong ginawang punchline.
Health: Ang endless online arguments ay nakakapagod kahit nakaupo ka lamang.
Career: Humor can make you memorable. Make sure you're remembered for the right reason.
Wealth: Huwag mag-post ng personal financial information para lamang patunayang "successful" ka.
Lucky direction: East
Lucky time: 8:00 a.m. – 9:30 a.m.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1
Digital reminder: The internet remembers screenshots longer than you remember why you were angry.
Rooster
Love: Bawasan ang public criticism sa partner o pamilya. Correction is better given privately.
Health: Hindi lahat ng maling ginagawa ng ibang tao ay kailangan mong personal na itama. Piliin ang battles.
Career: Kung may mali ang staff o coworker, kausapin nang maayos. Ang pagpapahiya ay hindi management technique.
Wealth: Magbayad nang tama at sa oras sa supplier, freelancer, o worker.
Lucky direction: Northwest
Lucky time: 11:30 a.m. – 1:00 p.m.
Lucky color: Brown
Lucky number: 8
Heavenly merit: Magbigay ng sincere praise kapag may taong gumawa nang mahusay. Hindi puro pagkakamali ang kailangang mapansin.
Dog
Love: Kung ipinagkatiwala sa iyo ang personal na problema ng mahal mo, huwag itong gawing kuwento sa iba.
Health: Huwag makipagsagutan kung pagod at iritable. Magpahinga muna.
Career: Ang integrity ay nakikita lalo na kapag walang supervisor na nakatingin.
Wealth: Kung may napulot na wallet, cellphone, o valuable item, gawin ang makatwirang paraan upang maibalik ito sa may-ari.
Lucky direction: South
Lucky time: 4:00 p.m. – 5:30 p.m.
Lucky color: Gray
Lucky number: 5
Heavenly merit: Gumawa ng tama kahit walang makakakita. Hindi lahat ng mabuting gawa ay kailangan ng camera.
Pig
Love: Huwag gawing social-media content ang problema ng taong mahal mo nang walang pahintulot.
Health: Kapag stress na ang katawan, huwag nang idagdag ang online drama.
Career: Mag-follow through sa pangako. Ang taong consistent ay mas madaling pagkatiwalaan sa mas malaking responsibility.
Wealth: Kung may maling sukli o sobrang perang naibalik sa iyo, isauli ito.
Lucky direction: West
Lucky time: 2:30 p.m. – 4:00 p.m.
Lucky color: White
Lucky number: 7
Master Hanz says: Ang magandang pangalan ay matagal buuin at maaaring masira sa ilang minutong maling desisyon. Protect it.
