pang-araw-araw na seryeng ito, ibabahagi ni Master Hanz Cua ang kanyang feng shui predictions kung paano ka magiging maswerte pagdating sa pag-ibig, kalusugan, karera, at pera. Ibibigay niya ang mga detalye tulad ng iyong lucky time, direction, color, at number, pati na rin ang mga payong feng shui upang mas mapalakas pa ang iyong swerte.
May mga pagkakataong hindi nawawala dahil malas tayo — hindi lang tayo handa nang dumating ang pagkakataon. Ngayong Lunes, ihanda ang kailangan bago umalis. Alamin kung saan pupunta. Basahin ang agenda. Dalhin ang documents. I-charge ang phone. Maglaan ng travel time. At kung may importanteng pag-uusap, isipin muna kung ano talaga ang gusto mong sabihin. Preparation gives opportunity somewhere to land.
Rat
Love: Kung may importanteng pag-uusapan, piliin ang tamang oras kaysa biglain ang partner kapag pagod o nagmamadali.
Health: Magdala ng tubig at pagkain kung alam mong mahaba ang araw.
Career: May meeting o assignment na maaaring magbigay sa iyo ng pagkakataong mapansin. Basahin muna ang background at huwag pumunta nang walang alam.
Wealth: Kung may financial meeting, dalhin ang tunay na figures — huwag estimates lamang.
Lucky direction: West
Lucky time: 9:00 a.m. – 10:30 a.m.
Lucky color: Silver
Lucky number: 5
Ordinary reminder: I-charge ang cellphone bago umalis. Hindi lucky charm ang 3% battery.
Ox
Love: Kung may family responsibility ngayong linggo, pag-usapan kung sino ang gagawa ng bawat bahagi.
Health: Huwag laktawan ang breakfast o lunch dahil lamang maraming kailangang tapusin.
Career: Magandang araw para sa presentation. Practice the important points instead of reading everything from the screen.
Wealth: Kung makikipag-negotiate, alamin muna ang presyo at terms na kaya mong tanggapin.
Lucky direction: East
Lucky time: 1:00 p.m. – 2:30 p.m.
Lucky color: Blue
Lucky number: 8
Preparation tip: Ihanda ang documents sa gabi pa lamang kung may early appointment kinabukasan.
Tiger
Love: Huwag pumasok sa seryosong conversation na ang goal ay "manalo." Alamin muna kung ano ang gusto mong maayos.
Health: Kung nagmamaneho, umalis nang mas maaga kaysa gawing karerahan ang kalsada dahil late ka.
Career: May pagkakataong magsalita o magpresenta. Confidence works better when supported by preparation.
Wealth: Kung may malaking purchase, pumunta nang alam ang target budget at specifications.
Lucky direction: Southwest
Lucky time: 10:30 a.m. – 12:00 p.m.
Lucky color: Green
Lucky number: 3
Master Hanz says: Confidence is powerful, but preparation gives confidence something to stand on.
Rabbit
Love: Kung may family event na pinaplano, gumawa ng checklist upang hindi isang tao ang kailangang makaalala ng lahat.
Health: Ihanda ang kailangan para sa araw upang hindi puro convenience food kapag nagutom.
Career: Kung may interview, alamin ang company at role bago sumagot sa tanong na, "What do you know about us?"
Wealth: Magdala lamang ng budget na kailangan kung pupunta sa mall o supplier.
Lucky direction: Northwest
Lucky time: 3:00 p.m. – 4:30 p.m.
Lucky color: Peach
Lucky number: 6
Interview reminder: Maghanda ng ilang tanong na gusto mo ring itanong. Ang interview ay pagkakataon mo ring malaman kung bagay sa iyo ang trabaho.
Dragon
Love: Kung may engagement o wedding discussion, dalhin ang actual budget at priorities kaysa puro ideal plans.
Health: Huwag gawing fuel ang kape lamang sa buong araw.
Career: May magandang pagkakataon para sa leadership. Dumating na may malinaw na proposal, hindi puro idea.
Wealth: Kung naghahanda ng business launch, alamin ang operating expenses pagkatapos ng opening day.
Lucky direction: South
Lucky time: 11:00 a.m. – 12:30 p.m.
Lucky color: Gold
Lucky number: 9
Recommendation from Master Hanz: Kung nagse-set na ng dates para sa wedding, opening, moving, signing, o major event, maaaring ikonsidera ang Lucky Date Selection bago magbayad ng non-refundable reservations.
Snake
Love: Kung may kailangang sabihin, isipin muna kung paano ito sasabihin nang malinaw at hindi unnecessarily hurtful.
Health: Maglagay ng realistic breaks sa schedule.
Career: Basahin ang contract, agenda, o briefing bago ang meeting. Maaaring may importanteng detail na madaling makaligtaan.
Wealth: Huwag pumirma sa loan, installment, o financial agreement nang hindi nauunawaan ang total obligation.
Lucky direction: North
Lucky time: 2:00 p.m. – 3:30 p.m.
Lucky color: Purple
Lucky number: 2
Practical advice: Kung hindi malinaw ang isang clause, magtanong bago pumirma— not after.
Horse
Love: Kung may date o family activity, kumpirmahin ang oras at lugar. Huwag pareho kayong naghihintayan sa magkaibang branch.
Health: Magdala ng helmet, safety gear, o anumang protection na kailangan sa activity o trabaho.
Career: Dumating nang maaga sa importanteng meeting. Ang limang minutong preparation bago magsimula ay malaking bagay.
Wealth: Kung may pupuntahang supplier, gumawa muna ng listahan upang hindi kung anu-ano ang mabili.
Lucky direction: Southeast
Lucky time: 9:30 a.m. – 11:00 a.m.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Road reminder: Helmet first, hairstyle later. Mas madaling ayusin ang buhok kaysa ulo.
Goat
Love: Huwag i-assume na alam ng pamilya ang iyong schedule. Sabihin kung magiging late o may importanteng commitment.
Health: Ihanda ang gamot o personal necessities kung matagal kang mawawala sa bahay.
Career: Hatiin ang malaking workload sa malinaw na sequence bago magsimula.
Wealth: Kung may renovation o home project, dalhin ang measurements, photos, at budget kapag pupunta sa supplier.
Lucky direction: Northeast
Lucky time: 1:30 p.m. – 3:00 p.m.
Lucky color: Pink
Lucky Number: 4
Ordinary reminder: Huwag umasa sa "parang ganito kalaki." Sukatin. Isulat. Kuhaan ng picture. Then shop.
Monkey
Love: Kung may surprise kang pinaplano, siguraduhing available muna ang taong isu-surprise mo.
Health: Huwag magpuyat dahil lamang bukas pa naman ang deadline.
Career: Magandang araw para mag-pitch ng creative idea. Ihanda ang example, sample, o visual para madaling maintindihan.
Wealth: Kung may bagong project, gumawa muna ng minimum workable budget bago bumili ng extras.
Lucky direction: West
Lucky time: 8:00 a.m. – 9:30 a.m.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1
Preparation tip: Bring Plan B. Extra copy, backup file, charger, alternative route—small preparations save big headaches.
Rooster
Love: Kung may celebration na pinaplano, gumawa ng shared checklist upang hindi paulit-ulit ang tanungan.
Health: Maghanda ng comfortable footwear kung maraming lakad ngayong araw.
Career: I-check ang names, numbers, attachments, at recipients bago mag-send ng importanteng email.
Wealth: Magdala ng written quotation kapag makikipag-negotiate sa supplier.
Lucky direction: East
Lucky time: 11:30 a.m. – 1:00 p.m.
Lucky color: Brown
Lucky number: 6
Ordinary reminder: Attachment muna bago "Please see attached."
Dog
Love: Kung may ipinangako, ilagay sa calendar. Hindi nakakabawas sa sincerity ang reminder — nakakatulong pa itong matupad.
Health: Magdala ng tubig at maglaan ng break kung maraming appointments.
Career: Kung may job interview o client meeting, dumating nang sapat ang aga upang hindi hingal at stressed pagpasok.
Wealth: Kung makikipag-usap tungkol sa sweldo o professional fee, alamin ang value ng trabaho at responsibilities bago mag-negotiate.
Lucky direction: Southwest
Lucky time: 4:00 p.m. – 5:30 p.m.
Lucky Color: Gray
Lucky number: 5
Heavenly merit: Kung may kakilala kang may interview, exam, o presentation, magbigay ng encouragement o tulungan siyang mag-practice kung kaya.
Pig
Love: Kung may importanteng family decision, pumunta sa usapan na handang makinig — not just ready to defend your side.
Health: Huwag gawing optional ang pagkain at pahinga sa araw na maraming ginagawa.
Career: Ihanda ang first-day or first-meeting essentials para hindi ka naghahanap habang kailangan na.
Wealth: Kung may malaking transaction, i-check ang payment details bago mag-transfer.
Lucky direction: Northwest
Lucky time: 2:30 p.m. – 4:00 p.m.
Lucky color: White
Lucky number: 8
Money reminder: Check the account name and amount twice before pressing send. Ang maling transfer ay hindi lucky-number exercise.
