← Back to Home
PARANG PAMILYAR?! Vice Ganda, napagkamalang 'CONGRESSMAN' si Toto | It’s Showtime

PARANG PAMILYAR?! Vice Ganda, napagkamalang 'CONGRESSMAN' si Toto | It’s Showtime

PARANG PAMILYAR?! Vice Ganda, napagkamalang 'CONGRESSMAN' si Toto | It’s Showtime

🕒 6/5/2026, 6:24:33 AM301 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeMasayaJune#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Toto#Congressman#Jhong Hilario#Jackie Gonzaga

Makulimlim ang langit at malamig ang panahon. Sa iba'y bumubuhos ang ulan, sa ibang lugar nama'y marahan ang ambon. It's the perfect cuddle weather para sa mga taken. Pero sa mga single at walang kapiling, sa "It's Showtime" family na muna makipag-bonding.

Bawal ang init ng ulo sa mga taga-Mayamot, Antipolo dahil chill lang ang vibe nila sa 'Laro Laro Pick' game arena. Enjoy ang kuwentuhan nina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Jackie Gonzaga with player Donna. Pero ang masayang chikahan, muntik mauwi sa iyakan dahil sa tanong ni Meme Vice tungkol sa pag-ibig. Masakit man ang pinagdaanan, matapang na nagmo-move forward si Donna para sa anak. Pero sa ngayon, sarado muna ang puso niya.

When life gives you lemons, make lemonade, 'ika nga. But when life gives you "meow meow meow meow," tatawa na lang ikaw. Laugh trip ang mga tagpo nang makilala ni Meme Vice si player Toto, na para bang may kamukha. Biro ni Meme, pagkatapos mapatalsik sa kongreso, sa game arena na lang pumasok si Toto.

Pasok naman sa banga ang aktingan ng hosts sa 'You Gotta Lyric' round. Performance ni Jackie, pang-Best Actress as always, lalo na sa eksenang ayaw niya mawalay kay Darren. Parang totohanan ang acting! Eh, ‘yung pagsabunot ni MC kay Lassy? Totohanan din ba ‘yan, mga mhie?

Tulad ng pelikula na puno ng exciting plot twists ang ending ng jackpot round kung saan naglaro si Iza. Sa una'y litong lito at di sigurado, hanggang sa tinanggap niya ang Li-Pot offer na P20, 000. At para mas lalong makatulong sa mga gastusin, forda generous act si Meme, na ginawang P30,000 ang premyo ni Iza ng Antipolo.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.