Dahil narito na ang BER months, lahat ay nagiging BERry happy. Dama na ba ang chill hangin at thrill ng damdamin? BERry special na ang bawat araw, kaya kahit saan ka man lumingon, good vibes ang laging naro'n.
At kung energy ang hanap, you've come to the right place. Buhos ng boses at power ang ibinigay nina Mariane Osabel at Hannah Precillas sa collab na ang lakas maka-world-class. "Power" ng Little Mix, ibinirit nila sa “It’s Showtime” entablado kaya sumabog sa palakpakan at party vibes ang buong studio.
Bukod sa BERry happy, lahat din ay feeling BERry lucky sa pagpapatuloy ng September party sa "Laro Laro Pick" kaya't makisagot na at makisali. Ngayong araw, kilalanin natin ang 24 players na binubuo ng mga kasambahay, virtual assistants, at mga nagtatrabaho sa junkshop at sanlaan—lahat handang makipagkulitan kasama ang apat na Showtime hosts na sina Ion Perez, Cianne Dominguez, Jackie Gonzaga, at Teddy Corpuz na kumatawan sa Madlang People.
Umangat sa game arena ang awra ni Jom, isang virtual assistant na newly engaged kaya extra inspired. Ipinarinig pa niya ang theme song nila ni future wifey, pero nag-react si Jackie. Wala raw sa tono! Uy, Ate Girl, coming from you?!
Good vibes din ang hatid ni Kerwin, ang junk shop staff na nami-miss na ang misis at anak sa Mindanao. Malayo man sa pamilya, puno pa rin ng pagmamahal at pag-asa. Napatawa ni Kerwin ang madla sa kwento niya tungkol sa anak na pinangalanan niyang Tyler. Bakit? Wala lang, naisip lang niya nang mapadaan sa isang 'talyer.' Patawa-tawa lang 'yan pero dahil sa sipag at tiyaga sa junkshop, unti-unti na rin niyang napapatayo ang sariling bahay.
Kwentong sikap din ang ibinahagi ni Enday, isang kasambahay, na dahil sa sa sipag at dedikasyon ay naitaguyod ang mga anak at natustusan ang kanilang edukasyon.
Swerte ay agad na-attract ng 12 players na nakakuha ng green boxes sa "Illuminate o Eliminate" round at agad dumiretso sa "It's Giving" kung saan ang tanong ay, "Magbigay ng mga kasalukuyang pangalan ng mga probinsya sa Visayas." Si Teddy, sumuko na. Napasigaw na lang 'yan siya at nanghula!
Sa "You Gotta Lyric," fill in the blank ang labanan. Dapat ibigay ang tamang answer sa missing lyric ng kantang "Beer." Isa-isang naubos ang players hanggang sina Kerwin at Jackie na lang ang matira. Pero si Kerwin, nalito, samantalang si Jackie ay tumama kaya sa Jackpot Round na agad ang kanyang diretso.
Sa Jackpot Round, humingi ng dasal si Jackie mula sa Madlang People. Siguradong napadasal rin ang mommy niyang kabado habang nanonood sa studio. Habang tumataas ang tensyon, umabot ng 25,000 pesos ang alok sa LI-POT, pero dahil todo sigaw ang madlang people, 350,000 peso POT question pa rin ang pinili ni Jackie.
Matapang si Ate Girl kaya hinarap niya ang tanong na, “Sa anong Philippine peso denomination o pera makikita ang Pinctada Maxima?” Parang tumigil ang mundo sa loob ng limang segundo hanggang sa sumagot si Jackie. "Fifty pesos," sabi niya. Pero sorry Ate Girl, mali ng ‘yong hula. Ang tamang sagot ay 1,000 peso bill. Napa-sorry na lang din siya sa Madlang People pero nag-promise na babawi siya kung may susunod pang pagkakataon.
Dahil diyan, ang POT ay aakyat na sa 400,000 pesos!
Panibagong performances that you will rememBER ang natunghayan sa "Tawag Ng Tanghalan Year 9."
Unang umakyat sa entablado si Jelian mula Bulacan, isang performing arts student na pangarap sundan ang yapak ng idol niyang si Lea Salonga. Tulad ng kanyang iniidolo, handa siyang pahangain ang buong mundo. “When You’re Gone” ni Avril Lavigne ang napili niyag kantahin. Komento ni hurado Dingdong Avanzado, he "felt" the performance with Jelian's strong vocals plus emotion.
Damdamin din ang sandata ni criminology student Cassandra mula Negros Oriental, and it would be a crime kung hindi mo hahangaan ang rendisyon niya ng “Anak” ni Freddie Aguilar, na handog sa kanyang ina na pangarap mapanood siya sa TNT stage. Ngunit kahit wala na ito, ramdam niya ang "presensya" ni mommy sa studio. Sabi ni hurado Jed Madela, napaka-precise ng bawat nota, wala nang hahanapin pa dahil performance niya'y ramdam sa puso.
Sa KanTapatan round, ipinaglaban ni Cassandra ang kanyang pangarap at bumirit ng “I’ll Rise Up.” Buo ang boses, balanse ang lahat, ayon kay Punong Hurado Louie Ocampo pero payo nito, huwag magmadali at mas namnamin pa ang bawat sandali sa entablado.
Humarap muli si defending champion Jinky, na tinapatan si Cassandra, singing “Patuloy Ang Pangarap.” Sabi ni Punong Hurado Louie, no stone untouched—pang-grand finals ang performance.
Sa dulo ng makapigil-hiningang Kantapatan, si Jinky ang muling nagtagumpay at opisyal nang kinumpleto ang ikatlong koponan.
